Spray Can Painting Techniques to Customize Your Gundam Kits

Here is a short article/note about some common spray can painting techniques which can be used to customize your Gundam Kits. This is posted on a group that I belong to (thanks PGBC). I asked their permission to post this here so that everyone can benefit from it. It is called SPRAY CAN JUTSUs, of course we could see the Naruto influence obviously haha… This is in tagalog and I want to post this without changing anything. So for our foreign readers kindly comment below if you need help reading.

 

new kits july 11, 2011 (5)

napansin lang natin na most of us here are spray can users [specially yung mga industrial types pa]..

kaya eto in collaboration with papa erick and papa bok
we proudly present you….

SPRAY CAN JUTSUs

TAEJUTSU
acronym for Trial And Error Jutsu.
almost everyone nagdaan sa ganto, at marami-raming gunpla rin ang naisakripisyo para makuha ang tamang distance [from the part being sprayed-on], pressure [sa pagpindot sa spray can], at time [tagal ng pagpindot at pag expose ng part sa buga ng paint]
so basically, kapag etong jutsu na to ang gagawin mu, dapat marami kang resources, since trial and error nga.
so super experiment ka neto sa 3 main parameters na nabanggit ko na rin sa second bullet, distance, pressure at time. May include other parameters, pero yan na yung pinakabasic.

VEKNIQUE
pinauso or made famous by VEKTAR, kaya pinangalan sa kanya yung technique.
sa justu naman na to. Yung parts are carefully arranged in rows sa isang flat surface/table. Then saka bubugahan ng spray paint. Parang nagi-spray lang ng BAYGON sa bahay na malamok.
Dapat nga pala at least a foot away ang spray nozzle sa table…
Dapat nga pala you can move around the table freely. Since stationary ang parts na nakalatag sa table, dapat ikaw yung gumagalaw para macover mo lahat. Then, papatuyuin, tapos bibilingin mo yung parts para yung bottom side naman.
Advantages: tipid sa paint, since multiple parts ang naiisprayan mo sa isang pasada.
Disadvantages: you’ll have to wait for the parts to dry up first bago mo mapinturahan yung part na hindi mo nacover and minsan dumidikit yung newspaper na cover mo sa table sa parts.

reference video

GAYFLICK
nung itinuturo kasi to sakin parang bading lang kasi yung movement ng kamay. Pero ayun. We can also call it the pisitjutsu.
Unlike sa veknique na continuous ang pag pindot sa spray, sa technique na to, pisit-pisit/pitik-pitik lang.
Also, requirement sa jutsu na to na naka-mount sa sticks ang parts to be painted.
Imagine: your left hand holding the stick that holds the part to be painted.
and on your right hand, you have your spray can. Distance ng nozzle sa part kahit 10-15cm lang pwede na.
now, as you press the nozzle, dapat i-move away mo yung can from the part “quickly”. Either left-right, or up-down and at the same time dapat iniikot mo yung part using your left hand.
Advantages: once bitiwan mo ang isang part, tapos na sya, as in hihintayin mo na lang matuyo before assembly or second layer or topcoat.
Disadvantages: maaksaya sa paint chakra. At medyo hassle at time consuming kasi imomount mo pa sa sticks at pipinturahan isa-isa yung mga parts…
Reference video >> in-the-making na, starring papa Erick! Hehe

Notes
Main purpose nga pala ng mga jutsu na to is to apply paint sa parts ng hindi kumakapal/nagba-bubbles, which is really FUGLY.
Meron nga pala gumagawa ng hybrid. Naka-mount sa stick, tapos ska iisprayan with 1 foot distance.. which is talaga naming nakakangawet.. hehe pero yun ang suggestion for beginners sa spray can painting.
Maraming nagkalat na videos sa youtube, onting sipag lang din manood at matuto… ^_^

from papa bok: tutorial links for spraying

Observe weather conditions. pangit mag spray pag cold ang environment[e.g umuulan]. importante ito lalo na sa top coats 😀 [thanks to papa pau para sa input na to ^_^
Wag magspray ng flat topcoat on flat paint directly [magbabatik].
Mas maganda iprime muna para makita kung pantay ba pagkakaliha ng part chaka para kumapit mabuti ang pintura.
Magpractice spray muna sa spare runners bago sa actual kit para mabawasan ang pagsisisi sa huli hehehe.
Wag isprayan ng topcoat ang Bosny chrome, mawawala ang gloss nya. [thanks to papa alvin para sa additional notes. ^_^]

Baka may nakalimutan ako mga master.. comment na lang po ^_^

Violent reactions are expected…!

Peace out!
-erick, bok & zen ^__^

Advertisements

26 thoughts on “Spray Can Painting Techniques to Customize Your Gundam Kits”

  1. Ayos… pero ako gamit ko ay yung naka latag lang sila sa paper, kaya nga lang yung sa akin ay naka tape. Kasi yung ibang maliliit na parts kapag na spray titilapon sila, bad side lang ay time consuming…pangit pa ay kapag napunta sa may buhangin….naku..if that happen…matagalang pag lilinis…nangyari na sa akin yon nung sinabit ko sa sampayan yung pina primer ko na action figure…e nag sampay ang nanay ko…..kaya ….hayun…….SORRY lang ang katapat… 🙂

    Like

  2. Share ko lang sa inyo yung isa pang experience ko sa pag paint ng Gundam kits. Rainy season noon manga month of June. Dahil walang pasok sa work due to signal #3 na typhoon, naka tambay lang ako sa bahay at walang magawa kundi mag kalikot ng mga kits. Ewan ko bakit naisipan ko na mag paint that time na malamig ang panahon. Eh talagang gusto ko na i paint yung RX78 ko na HG 1/144. May na isip ako para maganda ang paint, yung friend ko kasi ginagawa daw nya pag umuulan nag lalagay sya ng high wattage na bombilya at itutok sa kit after painting para di daw mag bubbles at pumangit ang paint. Ginawa ko naman as instructed, ok naman ang kinalabasan sa mga paa, kamay at mga weapons. Lastly yung katawan nalang ang natira…..kaso that time may kinuha ako sa kitchen namin para kumain…ewan ko ba kung anong pagkain yon at parang ako si Eva sa bible at nakalimutan ko na may naka improvise oven pala ako na Gundam sa garahe…manga 30 minutes ko siguro naiwan yon…..nabigla na lang ako at naalala ko yung kit…dali dali akong tumakbo at lumabas….pagkakita ko sa kit……WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!  Parang napunta sa Sun si RX78 at nayupi yung katawan sa sobrang init ng ilaw, deformed na sya!!!! That day nag promise ako na di na mag pi paint ng kit pag rainy season. Adik kasi (^_^)

    Like

  3. Bro, may tanong ako…ano pala gamit mong brush pag nag hand paint ka sa mga detailed parts…like the pilots in a cockpit of a 1/100 model kit? Yung gamit ko kasi improvised lang…may nabibili ba na maliit ang bristles? Kung meron..gaano kaliit ang size at saan nabibili?

    Like

    1. Sa sobrang liit na parts like ung pilot, minsan toothpick na gamit namin. Wala kami makita na maliit na brush eh. Usually mga Tamiya brush ang binibili namin. Last time nga eh Gundam Marker ginamit ko haha

      Like

  4. i did try spraying the chrome with s transparent layer on top (knowing that finish would be “destroyed”). i tried it on a knife weapon (of gundam, an extra part not needed for the model itself). it gave a rugged look, then i did some back outlines and smudges. mukha xang ‘gamit na gamit’ na knife. very old worn out tlga. astig din. so you can use chemical reactions to your advantage, just know what you want to achieve before doing so.

    Like

  5. Hi. Is it possible to translate to English? Starting to get more involved in Gunpla building and starting to paint the MS using spray cans 1st before getting an AB.

    Like

  6. Ask ko lang po. May pinagkaiba po ba yung “100% Acrylic” at “Acrylic Epoxy” na nakalagay sa likod ng Bosny spraycans. I have this primer grey with “Acrylic Epoxy” labeled, but when I bought one again, “100% Acrylic” naman nakalagay.

    Like

    1. they are different. one is acrylic only and another is a mix of epoxy and acrylic (varying ratio)… normally epoxy is harder than acrylic and more resistant to damage (aka wear and tear). Best to try it out first on spare pieces to see what fits your need. Some say that epoxy makes color darker and acrylic makes other colors brighter.

      Like

      1. Thanks for the clarification. But ok lang po ba kahit mag mix yung two types? e.g. Silver 100% acrylic then an Acrylic Epoxy Honda Red on top.

        Like

  7. Interesting. I never noticed it until I finished painting. I used an A.E. primer grey and a 100% Acrylic flat black. IDK if it makes much of a difference, oh well.

    First time ko mag paint(Just an action base though). Ang higpit ng parts, hehe. I actually scratched a few amounts of paint nung nagkakadikit yung mga parts(Mostly yung pegs). Pero baka kasi pinatuyo ko lang ng noon until evening,haha.

    Like

  8. Sir.
    Newbie po ako.
    Tips lng po sana simula sa umpisa
    Tulad nang anung dapat ba talaga liha muna bago paint o pede deretso na paint or anung liha ang gagamitin ung mga ganung bagay po.
    Salamat

    Like

    1. Pwede mo ring lihain bago mo lagyan ng primer para mas kumapit yung paint. Yung iba hindi na nila nililiha nililinis na lang nila yung kit.bago lagyan ng primer.

      Like

Leave us a reply, tell us what you think!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s